Wednesday, June 29, 2011

Aba, aba, aba

Aba nga naman, ang huli ko pa palang blog entry ay noong buwan pa ng February...ganun ba ka-busy? well...totoo naman pero hindi naman ganun ka-OA...hehe. Sabihin na lamang natin na naging abala sa mga bagong pangyayari sa buhay at nawalan ng oras ni bisitahin man lamang itong blog site ko na ito.

Isa sa mga malalaking nangyari ay ang tuluyang pagkawala ng aking pinamamahal na si Tage. Ang aking, unang love...ang aking unang sasakyan sa tanang buhay ko. Yes, isang sasakyan na nagturo sa akin ng lahat ng tungkol sa pagmamaneho...hindi ko na nabilang kung ilang bangga at bunggo ang nangyari sa akin noong mga panahon na nag-aaral pa lamang akong magmanaho kasama si Tage. Kaya naman, masasabi kong masakit ang aming paghihiwalay na kung iisipin, biglaan at wala sa plano. Ganun tlga siguro, hindi natin masasabi kung kelan darating ang blessing ni Lord. Sorpresa ika nga nila.....hehe!.

 Ngayon, isang Toyota Corolla 1994 ang bigla na lamang lumapag at huminto sa aking harapan na ngayon ay sinusubukan kong imaneho. Hindi pa sya fully paid habang sinusulat ko ito pero labis labis ang aking panalangin na tuluyan na siyang mapa-sa-akin....sa awa ng poong Maykapal at sa tulong ng aking mga kaibigan, for sure...magiging akin na rin.  :)

O paano, yan na muna ang kwento ko......sa next na kwento ko, may isa pang malaking pasabog na patungkol pagbabago ng aking buhay dito sa Cambodia. Saka na lang ang buong detalye pang concrete na ang lahat.




Tuesday, February 22, 2011

Magnong Baboy

Isang masayang balita ang bumungad sa akin nung isang gabi....ang isa sa inahin ng aking munting babuyan ay nanganak ng 10 biik. Ang sarap pakingan, ang sarap isipin na nagbubunga ang lahat ng pinaghihirapang bagay. Bigla kong hiningi ang mga litrato na kahit nasa malayo ako ay makita man lang ako. Biro nga ng isang kaibigan, tatay na ako ulit. Hahaha!

hindi nagtagal at nakita ko nga agad ang mga larawan, panibagong saya ang aking muling naramdaman. Agad agad kong ginawan ng photo album sa aking facebook account. Labis ang aking pasasalamat sa aking Ate at sa aking bayaw sa kanilang patuloy na pagtulong at pag-agapay sa aking munting pangarap.

Ang akin lamang dalangin, sana mas lumaki pa. Sana mas dumami pa ang mga biik. Sana madagdagan pa dahil sa ngayon ito pa lang ang aking kayang ibahagi sa mga taong importante sa akin, ang aking mga kapatid at magulang. Sadyang kay buti ng Diyos sa akin at sa aking pamilya. Sana patuloy kong maging kakampi ang poong maykapal hangang sa huli.






Monday, February 14, 2011

February 14, 2011 - Valentine's Day daw!

Hay....February 14 pala ngayon....Valentine's Day sa karamihan at puro ka-sweet-an sa ilan. Grabe talaga, pag ganitong araw...lahat dapat masaya, may ngiti sa labi at punong-puno nang pagmamahal pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan.....parang lahat ay mainit ang ulo. Magmula sa mga Pulis na nakita ko kaninang umaga habang nagmamaneho papunta ng office hangang sa receptionist at sa mga taong nakaka-katrabaho ko sa araw-araw. Bakit kaya? e....hindi ko alam.

Kahapon pa lang...nagkalat sa kalsada ang mga bulaklak at ka-cheap-an na souvenir items pero ni hindi makuhang i-check ang presyo kasi wala naman akong pagbibigyan. Marami akong nasa utak na pdeng pagla-anan pero halos lahat malayo sa tabi ko....so, paano? ay...hindi ko rin alam.

Hapon na at konti na lang e matatapos na ang espesyal na araw na ito pero sa mga oras na ito tila hindi pa rin napapawi ang init at hindi pa rin mabura anga mga simangot na nakaguhit sa mga labi ng bawat isan sa loob ng opisina......grabe....paano kaya? e, bahala na.

Basta, Happy Valentine's Day na lang....basta ako, sa puso ko....punong-punong ako ng pagmamahal ngayon!

Monday, January 24, 2011

Good News

Just a minute ago...isang kaibigan ang nagbigay ng malaking good news...tuwang tuwa ako as in sobrang tuwang-tuwa ako, gusto kong tumalon sa tuwa, gusto kong maiyak or gusto ko nang mag-leave....by tomorrow, mag-iiba na ang takbo ng aking mundo (OA?!) yes.....ganun talaga!

Yahoooooo!!!!!

Sunday, January 23, 2011

Crazy Weekend

haaaaay.....dapat pag weekend pahinga, pahinga at pahinga lang para naman mapawi ang lahat ng pagod sa nagdaang lingo ng walang humpay na pagta-trabaho.....pero last weekend was one of the worst.....buong sabado ay walang ginawa kundi tumawag, makipag-usap, tumawag at makipag-usap sa telepono habang tumatangap ng napakaraming ring tawag kung nasaan na ako at what time ako darating sa napagkasunduang gathering sa bahay ng isang kaibigan hindi pa dito kasama yung schedule nang rehearsal para sa praise & worship para sa darating na araw ng Linggo.....super stressed ang naging araw ko ng Sabado.

Naging mabait pa rin ang Diyos sa akin.....pag dating ng oras ng 5PM biglang natapos lahat ng inisiip ko sa trabaho.....nakapag-shower ako ng maayos, nakarating sa takdang oras ng rehearsal at naka-habol sa bahay ng kaibigan. Super kwentuhan, tawanan at kainan....kahit na problema ang parking ni Tage sa labas ng bahay ng kaibigan nakatulog pa rin ng matiwasay.

Nakapag-simba ng Lingo, nagawa ng mahusay ang assignment sa praise & worship at bumalik sa bahay ng kaibigan....kwentuhan ulit, kainan at siesta....So, I can say na naging maayos naman ang buong araw ng Linggo.

Naging stressful ang araw ng Sabado pero bumawi naman ang araw ng Linggo. Hay salamat! :)

Friday, January 21, 2011

Starting Today

Ok, I tried to win you....I tried to get your attention....I even told you my feelings for you but shown no interests at all......as in none at all. I couldn't even see that you gave importance to everything that I have shown to you during the times that we were together. I don't have time for this kind of game kaya tama na while still early.

Starting today, everything will just be in normal situation. You are there and I am here but nothing much special treatment or attention that you will get from me. No more.

I have been to this kind of situations long before so I do not want to happen it again. I am much more wiser than you think.

Thursday, January 20, 2011

Birthday Dinner - Kwentuhan

Sa birthday dinner pa rin....

Sarap ng food, sarap talagang magluto ng kaibigan kong si Weng....habang inuubos ang masarap na pansit at pasta (yes, may pasta na kasabay ng pansit) at fried chicken na may birthday cake sa side ng plato....nauwi sa seryosong kwentuhan na umabot ng hangang 1am.

Sa kwentuhan, marami akong narinig na sobrang nagpa-shock sa akin....hindi ko inaakala na yung taong tinuturing kong kaibigan ay iba pala ang pagtingin sa akin....awa at galit ang bigla kong naramdaman. Bakit ganun, sa kabila ng lahat ng pinakita kong maganda iba pa rin ang dating sa kanya.....nasaktan ako ng sobra. Sabi ko sarili ko, hindi ko yun mapapatawad.....hindi ako maniac, hindi ako makasarili, hindi ako madamot....mas kilala ko naman ang sarili ko kesa sa ibang tao.

Sa tingin nyo, kelangan ko pa bang ituring na kaibagan ang ganung klaseng tao? ewan ko...bahala na.